Quest (PH)

Walang Hanggan

LYRIC

[Hook 1]
Gulong-gulo ang puso
Saan ba 'to patungo?
'Di ko alam
'Di ko alam
Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
'Di ko alam
'Di ko alam

[Verse 1]
Nung ika'y nilalamig, ako'y iyong init
Kapag takot sa bukas, akong unang sisilip
Ginawa ko nang lahat
Hindi pa rin sapat kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yong dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na 'di maulit
Ang masulyapan mo 'yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo
Bawat segundo sa aking puso i-uukit
Lahat ng ala-ala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo
[Hook 2]
Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang 'yong braso
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Saan galing ang galit? Mayroon bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

[Verse 2]
Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit 'di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang pake kung 'di sapat
Kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo 'yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan, Ba't merong dulo?
Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo 'yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Ba't nandito tayo sa dulo?
Oh-oh, ohhh sa dulo
Oh-oh, ohhh
[Bridge]
'Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag-isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin ohh

[Refrain]
Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan
Bakit nandiyan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa 'ko sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo

[Outro]
Kung ika'y mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan-minsan
Dito lang ako
'Di ako lilisan
Sa ating dulo, 'di ako lilisan

Added by

admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

About "Walang Hanggan"

ban

Walang Hanggan Track info

Video