Kemikal Ali

Eskoba

LYRIC

Bagong umaga
Ang hirap talagang humiwalay sa ginhawa ng malambot na kama
Sa yakap ng asawa ng buong magdamag
At aakayain ang amoy ng luto nyang sinangag
Pagkaligo pagkakain, byahe na sa tren
Excited ka sa wakas sweldo na naren
Now on time ka sa trabaho at subsob agad
Good job sabi ng boss mong walang habag
Pag labas mo sa trabaho nakaplano na ang squad
Inuman at pulutan at tawanan na sagad
You only live once, yolo hello
Di mo pinapansin ang sinasabi ng relo
Ilang rounds na ang lumipas, ikaw na ang basag
Akala mo tatagal ka buong magdamag
Baklasan na boy, at nagpaalam na sila
Ikaw nalang ang susubukan umuwi mag isa
Kaso sa lalamunan mo may gustong kumawala
Yung sisig onion ring at kung ano ano pa
Bumulwak na ang pulutan pati kaluluwa
Sinayang mo pinagpaguran ng mga magsasaka
Hala boy, biglang umikot ang paligid
Kakapit ka sa matibay, handusay na sa gilid
Sa utak naglaban ang dilim at liwanag
Ang nagwagi ay ang spirito ng alak

Tulog na, pahinga ka na
Wala kang dapat na ipag-alala
Tulog na, pahinga ka na
Safe ka yun ang mahalaga
Tulog na, pahinga ka na
Wala kang dapat na ipag-alala
Tulog na, pahinga ka na
O ano, alak pa

Naghihintay sa wala ang iyong kabiyak
Habang ikaw nasa bangketa at walang ulirat
Malapit sa kanal, nakahigang taimtim
Nakaabang na pala mga maligno sa dilim
Isa isang nagsilapit kinakapa
Hinahagilap ang wallet, dinadama
In your dreams jessie mendiola ang humahaplos
But in reality personal effects mo ubos
Di ka nilubayan, tangay tangay pati sapatos
Swerte mo parin at di ka nila tinapos
Kalunos lunos, ok ka pa kanina
Nagtatawanan pang umalis mga hyena
Wala ng relo, tumakbo parin ang oras
Babad ka sa hamog pisnge mo na'y kulay rosas
May singlamig ng posas ramdam mong dumampi
Dila pala ng asong sayo'y lumalandi
Nagising ka bigla napamura narin
Kasi parang aso amoy basura ka narin
Wala ng smartphone at laman ng pitaka
Na sweldo ng pamilyadong feeling binata
Wala kang maalala sa buong magdamag
Wala kang pamasahe start ka ng maglakad
Ng mabilis kasi ikay halos hubot hubad
Yan ang karanasang ng na eskoba sa syudad

Tulog na, pahinga ka na
Wala kang dapat na ipag-alala
Tulog na, pahinga ka na
Safe ka yan ang mahalaga
Tulog na, pahinga ka na
Wala kang dapat na ipag-alala
Tulog na, pahinga ka na
O ano, alak pa
(Repeat)

Added by

admin

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

About "Eskoba"

?

Eskoba Track info